ANG AKING NAGING LAKBAY SA KURSONG BREAD AND PASTRY PRODUCTION (BPP)
Bilang isang Mag-aaral sa ika labing dalawang baitang ng paaralang Pioduran National High School, Senior High School. Ang aking paglalakbay sa pag-aaral ay masasabi kong isang tungo ito sa aking tagumpay, ano mang pagsubok ang aking harapin ay hindi ito hadlang upang mapahinto o mapatigil ang aking pag-aaral kahit napakahirap ay kinakaya ko at kinaya ko. Dahil kung susuko ako alam kona wala akong patutunguan sa buhay, Tungkulin kong makapagtapos sa pag-aaral at malampasan ang hamon ng aking buhay higit sa lahat tungkulin ko rin sa ngayon na maipagpatuloy ang lakbay ng aking buhay bilang isang mag-aaral at upang makamit ko ang aking inaasam-asam na tagumpay ang paglalakbay ng aking buhay ay patungo sa magandang kinabukasan. Sa aking paglalakbay pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho upang matulungan ko ang aking sarili at ang aking pamilya, sa lakbay ko pagsisikapang kong mag trabaho para sa pamilya. Ang aking paglalakbay ay ang nagsisilbing gabay ng aking mga pagsisikap sa aking lakbay. Pamilya ko ang aking inspirasyon ko na magpatuloy kahit sa kabiguan ng pinagdadaanan ang paglalakbay sa paaralan sa kursong Bread and Pastry Production na masasabi kong hindi hadlang ang hirap ng kursong ito upang ako'y matakot na hindi makapasa lahat ng bagay ay napag-aaralan at napag-susumikapan sa aking nararanasan dito sa ika-labing dalawang baitang masasabi ko rin na ito ay mahirap at maraming pagsubok na napagdadaanan pero ang lahat ay may sulusyon, kung ikaw ay may tiyaga at pursigido kang mag-aaral masasabi mo lang na ito pala ay iyong kaya. Ngayon ako ay patuloy na lalakbay para maisakatuparan ko ang tanging pangarap sa aking lakbay. Alam ko ang aking mga pangarap na mapupuntahan at alam ko rin na kayang abutin sa tulong ng aking pamilya at sa mga taong nagiging inspirasyon ko para sa aking mahabang paglalakbay matagal ko ng pinangarap na maabut ko lahat ng aking mga pangarap sa buhay sa tulong ng aking mahabang paglalakbay. Ipagpapatuloy ko lang ang aking paglalakbay tungo sa aking magandang buhay para magkaroon ng magandang mapagpupuntahan ang matagal kong paglalakbay. Ang aking paglalakbay,hindi lang ito para sa aking sarili lahat ng ito'y para sa aking mga mahal sa buhay, hanggang dito nalang at maraming salamat sa inyong pagbasa.
Comments
Post a Comment