PARA SA AKING HINAHARAP NA SARILI
Sa ngayon Hindi ko pa alam ang mangyayari o magaganap sa aking buhay, sa ngayon at gagawin ko ang lahat para makapagtapos ng pag-aaral at makanap ng magandang trabaho para mapaganda ang aking buhay. Ang pangarap ko sa aking hinaharap ay ang masuklian ko lang ang paghihirap makalipas man ang ilang taon siguro ako ngayon ay isang mahusay na chef, chef na maaaring maka-trabaho sa magagandang restaurant, o chef na maaaring nag tatrabaho sa isang barko at para mapaganda ang aking trabaho pag-huhusayan ko at gagawin ko ang lahat para mapaganda ito pero bago ako maging isang mahusay na chef mag-aaral at tatatagan ko para ang lahat at magka totoo ng sa ganon ay matupad at mapaganda ko ang aking buhay sa abot ng aking makakaya. Kaya, pagbubutihin ko na ang pananaw ko ngayon sa buhay. Dahil ang aking pangarap ang nag-silbeng gabay ng aking mga pagsisikap pangako ko sa aking sarili at sa aking pamilya na pagbubutihin ko ang aking pag-aaral ng sa ganon pagsisikapang Kong magtrabaho para sa aking magandang kinabukasan kailangan kong mating masipag at matiyaga para makamit ko ang aking mga pangarap sa buhay. Lagi din akong nagdadasal sa panginoong Diyos para patnubayan niya ako sa lahat ng oras.Tungkulin kong makapagtapos sa pag-aaral at malampasan ang hamon ng aking buhay. Higit sa lahat tungkulin ko rin sa ngayon na maipagpatuloy ang aking pag-aaral para matupad ko ang aking gustong mangyari sa aking buhay.Malaki ang salitang pangarap para sa taong nangangarap dahil maaari nitong mapaganda mahanap mo ang trabahong gusto mo sa iyong buhay.Higit sa lahat magagamit ko sa aking pag-aaral kaya ngayon pag-aaral ako ng mabuti kahit sa ganitong paraan man lang at maka bawi naman ako sa aking mga magulang, sabi ko sa sarili ko kailangan kong maging matapang at taos puso kong tatanggapin lahat ng mga pagsubok na napagdadaanan ko sa buhay. Hindi hadlang ang hirap para sa buhay na gusto mo sa iyong sarili dahil walang magandang mararating ang iyong buhay kong wala kang pangarap na pinapangarap para sa iyong sarili ikagaganda ng iyong buhay.Hanggang dito na lang at maraming salamat sa inyong pagbasa.
Comments
Post a Comment