PARA SA AKING KASAMAHAN

Magandang araw sa inyong lahat ang pag-uusapan naman natin ngayon ay tungkol sa kasamahan. Pamilya ang napili ko sila lagi ang aking nakakasalamuha sa loob ng aming bahay dahil sa aking pamilya kaya ako nandito, nandito na nakakapag-aral sa kursong Bread and Pastry Production yan ay dahil sa aking pamilya, pamilya laging sumusuporta sa aking mga ginagawa sumusuporta para magawa ng maganda ang lahat ng plano sa hinaharap dahil sa pamilya ko kaya makakapagtapos na ako sa aking pag-aaral ito ay dahil sa aking pamilya lahat namang tayo ay mahal ang pamilya dahil alam naman natin na kung hindi sa kanila ay wala tayo ngayon sa ating kinatatayuan dahil lahat ng gusto ko ay sinusuportahan at binibigay nila. Sila ang gusto kong makasama sa lahat ng plano ko sa buhay para naman masuklian ko ang lahat ng kanilang paghihirap. Ako ay galing sa aking pamilya,  Ako na pinapa-aral nila, Ako na nakikita niyo sa tuwing pumapasok tayo sa paaralan, ako na gumagawa ng binabasa niyo ngayon. Pamilya ko ang napili ko dahil kong kaibigan o kamag-aral hindi naman nila maibibigay ang lahat ng gusto mo at hindi mo alam kong ang kaibigan mo ay totoo. Dahil ang pamilya mo ay totoong-totoo kahit minsan nag-kakaroon kayo ng tampuhan, mahal ka parin ng iyong magulang. Salamat sa aking pamilya na pinalaki akong maayos at pinag-aral at tinuruan ng mabuting asal. Pangako ko sa aking sarili at sa aking pamilya, na kakayanin ko ang lahat para sa kanila at sa aming kinabukasan. Nagpapa salamat rin ako sa lahat ng pagtulong ng aking pamilya sa akin. Para matupad ang aming pangarap sa buhay kaya sila ang aking gustong makasama para kahit sa ganitong paraan man lang ay maka bawi naman ako sa aking pamilya Sabi ko sa sarili ko kailangan kong maging matapang at taos puso kong tatanggapin lahat ng mga pagsubok na napagdaanan ko sa aking buhay gagawin ko ang lahat para sa ikakatupad ng aking mga pangarap ng saganon ay mapasaya ko ang aking pamilya sumisikap ako para makamit ko ang mga bagay na ikakasaya ng aking pamilya. Higit sa lahat kailangan kong maging matapang sa bawat pagsubok na aking tatahakin at makasagupa sa buhay. Para matupad ko ang pangarap ng aking gustong maabot dahil ito sa tulong ng aking mga mahal sa buhay walang iba kung hindi ang aking pamilya. Hanggang dito na lang at maraming salamat sa inyong pagbasa.

Comments

Popular posts from this blog

BUHAY MAG AARAL NG SENIOR HIGH SCHOOL

PARA SA AKING HINAHARAP NA SARILI